The Potipot Island Experience
Yee… I’m about to share our island experience, sit back and relax baby =)
Syempre first of all, How do we get there muna….
Ayun, Yung original plan namin is bumyahe ng Friday night going to Zambales then uuwi sa Manila ng sunday afternoon. So, Friday morning palang, I called Victory liner Caloocan kung anong time yung last trip going to Sta. Cruz Zambales, (Victory Liner lang ksi yung dumadaan dun) then ang sabi, last trip daw is 11:55p.m. So ayun, Me and my friends decided to meet around 9:30 to 10pm ng friday, tapos dumating na kami sa terminal ng 11:30pm, kaya sobrang takbo na kami baka kasi ma -late na kami sa last trip na 11:55 daw.
So pagdating namin dun, We asked the guard kung nasaan na yung bus going to Sta. Cruz, then ayun. sabi niya, “ka-aalis lang, nalate kayo ng 10 minutes!”
Yeah right! wala pang 11:55 umalis na yung last trip! So we have to wait for the next trip which is 4 in the morning pa! So, instead na Friday night, Saturday Morning na kami nakabyahe.
ayun, byahe byahe, picture picture, taz tulog tulog din sa bus….
9-10-11-12 nga pala yung seat number namin, so? la lang,
mga 8 a.m ng Saturday ata yun when we reached Iba Zambales, then mga 1 and a half hour pa up to Candelaria.
mga before 10 a.m, Bumaba na kami sa Dawal. (yun kasi yung pinaka Landmark dun sa Candelaria, andun yung mga resort na nag a-accommodate ng mga tourist going to Potipot Island. So dont forget to tell the Manong kundoktor to drop you sa Dawal, kami nga muntikan ng lumagpas eh)
So from Manila, 4a.m to 10 a.m = 6 hours na byahe. (Maraming stop over yan eh, bawat Town kasi na madaanan namin na may terminal ng victory liner, nag i-Stop over, pero kung may sarili kayong service, kaya yun ng 5hours lang, ang ganda kasi ng daan, lalo na pag pasok ng Zambales)
tapos ayun nga, pag baba namin ng bus, dun sa waiting shed, nagtanong na kami dun sa manong driver ng tricycle, si kuya RJ. mabait,honest and approachable siya, mejo maitim, mga around 23-27 years old siguro, pag nakita niyo siya paki kamusta kami ha…
ayun, tinanong ko siya kung ano pinaka murang resort dun, then sabi niya, may kakilala daw siya. then sabi nya, may pagkain na ba daw kami, kung wala pa, mamalengke muna kasi walang mabibilhan dun sa Island. (as in wala talaga,kaya jamPak dapat kayo ng foods and beverages pag punta dun!)
kaya ayun, dahil wala pa kaming mga pag kain aside sa snacks, namalengke muna kami sa palengke ng Candelaria.
mga 2 kilometers from Dawal yung layo ng palengke, sakay kami ng tricycle ni kuya Rj, ayun. sinamahan niya din kami sa loob ng palengke para daw mas mabilis.
bumili kami ng mga pang ihaw,some fruits,bigas,marshmallows,kandila,uling, anu pa ba? basta marami eh.
then ayun, balik na kami sa Dawal, sakay ulit ng tricycle ni kuya Rj, bale 150.00 yung binayaran namin, balikan na yun. I think tama lang yung price, kasi mejo malyo din yun. taz yung time pa ni kua Rj, tapos ang bait pa nya, enough lang, worth it.
then dun sa beach ng dawal, may kubo kubo na may katabing bahay, dun naman namin nakilala si Ate Minda. Sikat na daw siya. kasi sa kanya lahat nag iinquire yung mga tourist na gustong pumunta sa Potipot Island. dun na din kami nang hiram ng mga lutuan, kasi wala kaming mga dala.
Ni- recommend na din ni Ate Minda na dun nalang kami mag stay sa island pag overnight, mas mura, mas worth it!
Since doon na kami mag sstay, nag rent na din kami ng Kumot - 50Php each, nang hiram ndin kami ng Ice bucket. Sa kanya na din kami nag bayad para dun sa Boat ride going to Potipot. 500Php. 4 persons, balikan na yun.
Three Brothers - yan yung name nung boat na sinakyan namin, at wag ka! 3 brothers talaga sila, haha, never sila nag hiwalay. 3 sila lagi sa bangka.
siguro mga 5 minutes lang yung layo ng island nung nag boat ride kami.
grabe, ang ganda ng Potipot. malayo pa lang, kitang kita mo na yung white sand! sobrang nakaka excite, dun palang sa bangka parang gusto ko na tumalon!
pag dating dun sa Island, yung entrance pag overnight is 300.00 each. pag di naman overnight, 100.00 lang. yung rent sa kubo na may room na is 500.
ayun, di pa kami muna pinag bayad nung caretaker, bukas nalang daw pag pauwi na kami. so, okay. nag hanap na kami ng magandang pwesto ng kubo, then ayun.
maganda yung kubo, malaki na. 4-6 persons ang kasya dun sa room.
then inayos na namin yung mga pinamili naming mga pgkain, nagluto, then naka kain na kami mga 2pm na. =( hay basa pa yung uling namin! hmp!
after kumain, talon na sa tubig! Whoooohhh! At last!
tapos ayun, swimming swimming na, andaming tao nung pagdating namin nung saturday. more or less mga 15 groups siguro, pero di naman crowded unlike Bora. di pa kasi masyadong developed at commercialized yung island. may privacy ka parin.
Ayun, bandang 6:30 pm, nag dinner kami, then swimming ulit after!
mga 10pm na ata kami natulog, 2 groups lang kaming nag overnight nun sa Island kaya sobrang relaxing at napak tahimik! yung iba kasing tourists, bumalik na sa Dawal, andun kasi yung mga resorts. and wala kasing kuryente sa Island kaya alanganin para sa may mga dalang baby at mga bata.
then ayun, tabi tabi kaming natulog sa room ng kubo. haaay grabeng sarap ng tulog ko nun! naka open lang yung door ng kubo kaya sobrang lamig na nung bandang 1a.m… walang lamok nun eh, kaya sarap talaga! taz maririning mo pa yung hampas ng alon sa beach, hayyyy saraaap!
RELAX na RELAX kami, marerelax ka din dun! Talaga boi!
then nagising ako ng mga 5:30 a.m kasi inalarm ko yung phone ko, para maabangan ko yung sunrise, pero mga 6:10 na ako lumabas sa kubo. grabe ang lamig nung mga oras na yun! pumunta na ako sa shore, nag abang ng araw.
mga 6 30 a.m ko na nkita yung sunrise eh, mejo makapal kasi yung ulap nun, may low pressure kasi sa bandang north ng Zambales that time.
then ayun, picture picture, mga 7:30a.m balik na ako sa kubo. then isa isa na rin silang nagising.
nag painit ako ng tubig para makapag coffee kami, after that luto ng kanin.
mga 8:30 a.m na ata kami nakapag breakfast nun, sarap ng ulam namin, itlog na maalat w/ kamatis! whhooooo saraaapppp!
masarap na, tipid pa! bili na! =P
then after kumain, mga 11 a.m swimming swimming na ulit, tapos mga 1pm na ata kami umahon. nag banlaw na, then pack up! ayun, nung nakabihis na kami and ready to go na, tinext ko na si ate Minda na pabalikin na yung bangka para sunduin kami. mga 2:30 P.M. kami naka alis sa island. syempre, yung 3 brothers ang sumundo sa amin =) hay di talaga sila naghihiwalay na tatlo!
hehe, haay… grabe, grabeng experience! Ang sarap! if you want to Relax and enjoy with your family or friends, Potipot Island is the perfect Getaway! good spot din siya for couples, tahimik kasi dun =) madilim pa sa gabi! =) uyyyyyy… naiisip mo ba yung naiisip ko? UU yan nga, pareho tayo ng naiisip! =) sakto yung dilim para makapag kwentuhan kayo heart to heart! =)
Ahy ang haba naman nitong kwento ko! kaya di ko na idedetalye yung iba ha? basta, Sobrang Worth it lahat. as in, yung pagod, yung layo, yung gastos. wala ako/kaming pinag sisisihan =)
Para may idea ka sa gastos, eto oh:
Bus going to Sta. Cruz Zambales from Victory Liner Caloocan - Php 432.00
Boat ride to Potipot Island - Php 500 2 way - overnight (4 persons)
Entrance fee sa Island - Php 100/ person, Php 300 pag overnight
Bus from Sta. Cruz Terminal to Cubao - Php 450.00
So ayan, may idea ka na. =) try mo din pumunta!
Philippines has more than 7 thousand Islands, kaya bakit ka pa mag iibang bansa, di mo pa nga nalilibot yung Pilipinas! Sige ka, ikaw rin! =)